Thursday, October 11, 2012

Cornetto sa Eye Bench


Waaah! Astig ang araw na ito. First time ko kasing umakyat sa bakod, no choice i, kelangan ko kasing pumunta sa school para magWorkEd. Ayoko ko na kasi makakita ng INC sa grades ko sa Aolis. Kaya ang pagwawalis mula Guidance Office hanggang Finster kaya namula ang kamay ko sa pagod ang nagsimula ng araw ko. Naku! Dalawang oras din akong nagwalis a. Taz nung medyo maliwanag na taz nagsisidatingan na ung mga tao, umuwi na ako nakakahiya kasi i.

Pag-uwi ko, ayun wala pa pala akong almusal. Alam mo yun yung pagod ka na taz kelangan mo pa magluto para makakain. Hindi ba pwedeng kumain muna bago magluto? Di ba? Para magkaroon ng energy sa pagluto kelangan makakain muna. Pero may mga bagay talaga na hindi pweden mangyari hanggang hindi nauuna ang dapat mauna.

Habang kumakain ako at nananuod ng Phineas & Ferb, may natanggap akong text ang sabi ay “Lindy, san kayo? Dito ako sa ITC” Waaaaaaaah! LINDY? Hindi ako si Lindy! Loko talaga si Vayne, minsan nalang nga ako itext mali pa yung pangalan. Nakakaasar! Sigurado para sa grupo namin yun sa HBO. Hindi pa kasi namin tapos. At sigurado ako na hindi lang naman kami ang hindi pa nakakatapos i. So yun, nakakaasar kasi wala akong balak lumabas ng bahay kasi gusto ko mag-aral para sa Compre namin sa Monday. So walang choice, miyembro ako ng grupo kelangan kong tumulong.

Waaaah! Pagdating ko dun, medyo wala pa silang nagagawa. Kaya tumulong na ako para matapos ang kabaliwang iyon at makauwi na. Masaya na kami ok nga i. Nakakatuwa yung mga kagrupo ko, mahilig magpatawa lalo na si Vayne. Yung tipong seryoso sya taz hindi mo alam kung nagbibiro ba sya kaya mas nakakatawa. Basta nakasama mo yung taong yun mage-Gets mo rin yung ibig kong sabihin. Habang tinatapos namin yung portfolio na yun, binibiro naming si Vayne na manlibre ng lunch. Waaaaaah! at yung taong yun sineryoso naman. Kaya yun, Cornetto yung lunch naming kasama pa yung Group 6 namely sina Kevin, Tiney, Emerson at WickEd.

Ang daming tawanan na naganap sa sobrang dami hindi ko na maalala. Ay! May naaalala akong isa. Yung “Learning for POLIO”. Waaaaah! Dami ko talaga tawa dun. Kapag naiisip ko nga yun napapangiti ako i. Taz si Vayne, minsan lang magsalita pero nakakatawa talaga. Si WickEd trying hard magpatawa. Pero para hindi naman saying effort nya, tinatawanan naman ni Jana—kakampi ko i.

Waaaaaaaaah! Okay lahat! As in masaya itong araw na ito. Tawanan, basagan at barahan to the max lang. Kung bibigyan ulit ng pagkakataon, gusto ko ulit makagrupo sina Lindy Lou, Jana, Kuya Roderick, at Vayne. Gusto ko maging kaklase ulit lahat ng mga kaklase ko. Kaso lahat ng bagay ay nagbabago. Ang tanging bagay na nananatili ang pagbabago.

Taz nung uwian na, nagkabayaran na nang contribution. Umuwi na ako sa sobrang pagod, nakatulog taz pagkagising ko nakaramdam ako nang lungkot. Kaya isinulat ko ito.