Buong araw akong mag-isa. Well, wala namang kakaibsa dun. Ganito naman ako lagi tuwing weekend—mag-isa sa room, walang kausap. Good thing may internet, so bawas boring.
And guess what made this night extraordinary?? Yung mga tumawag.
Si Kupal—tanga yun—tinakot pa ako. Kung may kasama daq ba akk kasi may narinig daw syang ibang boses. Alone pa naman ako dito sa room at buong second floor. Pero sorry sya. Mas matatakot pa ata ako pag nawalan ako ng makakain kesa sa mga pananakot nya sakin. Natatawa lang ako sa kanya, trying hard kasi. At yun nga, tumawag sya para manakot, pero epic fail kasi hindi naman ako natakot.
Kung si Kupal e tumawag para manakot, eto namang isa e tumawag para mang-inggit, mag-pasaya, humingi ng favor at mag-palungkot. Hmmm...oo, halo-halo nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko ang boses nya. Ilang segundo muna ang pinalipas ko bago ko sagutin yung tawag nya kase natatakot ako. Mas nakakatakot pa eto kesa sa pananakot ni Kupal. Natatakot ako kasi ayoko na marinig boses nya. Ayoko na. Pero ganun ata talaga yun. Once na naging importante sayo yung isang tao, kahit na ayaw mo na syang pahalagahan, at kahit ano pang gawin mo, meron at meron talagang pagpapahalagang maiiwan.
Ang saya ko nung nakita ko yung pangalan nya sa screen ng phone ko. Unexpected talaga. Hindi ko inakalang tatawag sya. Once in a blue moon lang yun tumawag. Kaya nagtataka ako kung anong meron. Pero kahit na masaya ako, andun pa rin yung takot na sinasabi ko.
Nainggit ako kasi nagkita sila ng mga friends namin. Don't get me wrong. Masaya ako para sa kanila. Pero syempre andun yung thought na sana andun din ako. E taz puro pa pang-iinggit sinasabi nya. Taz nung tinanong ko kung nangiinggit ba sya, hindi naman daw.
Isa pa atang rason kung bakit sya tumawag kasi may hihinging pabor. May gusto daw sya kausapin kaya kung pwede daw na tatawag sya sakin bukas para kausapin yun. O? Ayos di ba?
Mejo nalungkot ako, pero masaya ako para sa kanya. Tanong ko kung anong balita, bakit sya napatawag, maliban dun sa pabor na hinihingi nya baka kasi ay iba pa syang kelangan. Pero sabi nya WALA na daw. Yun lang daw. Sabi ko naman, "Ahhh..Ganun ba. Nagpaload ka ata ngayon?". "May naghihintay kasi ng tawag ko, tawag ako sayo bukas ah? (yung favor)", sagot nya. Sabi ko "ichika mo sakin yan ah?", ganun naman kasi talaga dati. Tuwing may chika sya tungkol sa nililigawan nya, daming kwento. Halos hindi na ako makasalita. Sa daldal kong ito? Natatameme ako pag sya na ang nagkukwento. Sabi nya "oo, pag may time. Ikaw nga wala kang kinukwento sa lablayp mo". Haler? ano naman kaya ikukwento ko sa kanya e daig pa ng lablayp ko ang Undas.
Well, dun natapos ang conversation namin. Hahaha..ang saya (sarcastic tone). Kaya heto ako, reporting for duty.